Faith, Life Lessons

Mga Pagbabago

I like changes. Kahit minsan, mahirap mag adjust sa mga pag babago, gusto ko pa ring mag bago. Change for the better, change para matuto at umunlad, change para umayos ang pamumuhay. Sabi ni Hiraclitus ” The only thing that is constant is change”

May mga pag babago sa buhay natin na madali lang, parang pag papalit lang ng damit o pagpapakulay ng buhok. Meron namang medyo mahirap at merong super hirap. Para sa akin, ang pinakamahirap na pag babago ay baguhin ang mindset ko, ang hirap para sa aking baguhin ang mga nakaugalian ko na at nakasanayan ko na, kaya lang, narealized ko na ang mundo ay patuloy nagbabago, kung hindi ko yayakapin ang mga pagbabagong nangyayari sa paligid ko, maiiwan ako.

Nung umalis ako sa Pilipinas, year 2011. Na-stock ako sa isla ng Samoa for seven years. Ang buhay namin sa isla ay mas madali kesa sa buhay namin sa Pinas, sa Pinas, gada kilos mo ay pera. Dapat mabilis kang kumilos, madilim pa lang dapat ay nakaalis ka na ng bahay kasi maiipit ka sa traffic pag nahuli ka, maingay mausok, pero kahit na ganon pa man sa Pinas, masaya ako sa bansang sinilangan ko. Doon kasi ay malaya akong maipapahayag ang sarili ko, sa wikang kabisado ng puso ko, malaya kong maipahayag ang damdamin ko, di katulad sa foreign land na na napuntahan ko. Nakaka nose bleed magalit at mag explain in English. Hahaha lalo na at di ka talaga sanay magalit sa salitang English. Well, dito naman as long as nadeliver mo yung thought at naintindihan ka ng kausap mo ay okay na sa kanila yon. Kasi naiintindihan naman nila na di yon yung first language ko.

Dati ay nag tataka ako kung bakit ako napadpad sa lugar na ito, pero naniniwala ako na dinala talaga ako ni Lord dito, at napakaraming nag bago sa akin buhat non.
//ws-na.amazon-adsystem.com/widgets/q?ServiceVersion=20070822&OneJS=1&Operation=GetAdHtml&MarketPlace=US&source=ss&ref=as_ss_li_til&ad_type=product_link&tracking_id=beth0723-20&marketplace=amazon&region=US&placement=B01069X4H0&asins=B01069X4H0&linkId=69ba5274ae117f8f9be8713ba4a73fe4&show_border=true&link_opens_in_new_window=true

Mga Pag Babagong Nangyari sa Akin Sa Amerika Samoa.

Paniniwala at Pananampalataya

Unang unang nagbago sa akin sa lugar na ito ay ang aking Faith. May mga katanungan na sa puso ko nung umalis ako sa Pinas kung sino ba ang tunay na Dyos? At pinananalangin kong matagpuan Sya.

Sa dami raming pinaniniwalaan ng mga tao, ang dami raming iba’t ibang relihiyon, pero iisa lang ang tunay na at yon ang Dyos ni Abraham, Isaac at Jacob na sinasabi sa Bible. Ang nag iisang Dyos na gumawa ng Langit at lupa. Ang nag-iisang Panginoon na lumikha ng buong sanglibutan. Ibinigay Nya ang Kanyang Bugtong na anak na si Jesus sa atin dahil mahal nya tayo. At pag tinanggap natin si Jesus sa puso natin at naniwala tayo sa Kanya ay mag kakaron tayo ng buhay na walang hanggan sabi sa John 3:16.

John 3:16

16 For God so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but have eternal life.

Isinusulat ko ito, not to imposed another religion, gusto ko lang i-share si Jesus at ang natagpuan kong katotohanan sa Kanya. Sa pag aaral ng bible, natutunan ko na sa mata ng Dyos ay walang matuwid. Lahat tayo ay makasalanan sa mata Nya.

Sabi sa Romans 3:10-12 English Standard Version (ESV)

10 as it is written:

“None is righteous, no, not one;
11     no one understands;
    no one seeks for God.
12 All have turned aside; together they have become worthless;
    no one does good,
    not even one.”

At ang kabayaran pala ng mga kasalanan ay kamatayan. Kamatayan at walang hanggang kaparusahan sa impyerno.
Romans 6:23
For the wages of sin is death, but the gift of God is eternal life in Christ Jesus our Lord.
At ang tanging paraan lamang para tayo ay maligtas sa walang hanggang kaparusahan ay tanging sa Panginoong Hesus lamang.

Sabi nga sa Romans 10:9-10

9that if you confess with your mouth, “Jesus is Lord,” and believe in your heart that God raised Him from the dead, you will be saved. 10For with your heart you believe and are justified, and with your mouth you confess and are saved.…

September 30, 2012 Noong tinanggap ko si Jesus as my Lord and Savior at ang buhay ko ay nag iba talaga. Gusto ko lang i-share si Jesus, dahil sa Kanya may hope, may kapayapaan at kung tingin mo ay nawawalan ka na pag asa sa buhay, nais ko sanang ishare sa’yo ang hope na natagpuan ko sa kanya. Having a relationship with God is the best relationship that we can ever had.

Contentment at Simplicity ng Buhay

Sa buhay ko sa isla, natutunan kong makontento at mamuhay ng simple. Dati sa Maynila, pag kakasahod ko ay halos walang natitira sa akin kasi bili ako ng bili ng damit, sapatos, make up. Di ako nakakalabas dati ng wala akong make up. Bukod sa make up, isa sa mga pinag kakagastusan ko ay ang pag papastraight ng aking buhok, foot spa at facial. Malapit kami sa MegaMall noon, kaya ang libangan ko ay mag gala sa mall, mag window shopping, kumain sa kahit saan ko maibigan, tumingin ng mga bagong gadgets at dahil dalaga pa ako noon, talagang masasabi kong naging banidoso, materyoso at di ako marunong makuntento dati. I cared so much about myself, kung anong itsura ko, kung anong uso dapat meron din ako. But when God taught me an important lesson, nabatukan ako ni Lord, dinala Nya ako dito sa Lugar na ito at tinuruan Nya ako na mamuhay talaga ng simple. Di lang dahil walang mall dito, simple lang talaga ang buhay dito, di ko kailangang mag pa impress sa mata ng ibang tao. Kung paano ako tingnan ng tao ay di mahalaga, kundi kung paano ang puso ko sa mata ng Dyos. Yung iniingat ingatan ng mga pinoy na sasakyan sa pinas, dito sa Samoa, kabago bagong sasakyan may bangas agad, wala silang pakialam, wala silang pakialam sa itsura mo, di ka nila huhusgahan sa kung paano ka manamit pero sa puso sila nakatingin, kung paano ka makisama sa ibang tao.  Dito kahit wala kang ganong pera, mabubuhay ka pa rin kasi madaming taro, banana, bread fruit na napupulot lang sa tabi tabi. Isda, buko, papaya, sagana. Dito ko natutunang maging kontento at maging masaya sa kung anong meron ako, dito ko natutunang maging totoo sa sarili ko at mamuhay ng simple at mapayapa.

Natuto akong Magbigay

At ang pangatlong nagbago sa akin ay unti-unti akong natutong magbigay. Maramot ako sa totoo lang, hirap sa aking magbigay. Nag papahiram ako pero di ako nag bibigay. Pero dahil naranasan kong mawalan at magipit, at maraming mga tao ang tumulong sa akin kahit na maramot ako dati, eventually natutunan ko ring mag bigay. Naisip ko ang kabutihan ng Dyos sa pag bibigay, Sya nga ibinigay Nya yung bugtong na anak Nya para mag karoon ako ng buhay na walang hanggan, ako pa kaya na tao lamang? Binigyan ako ni Lord ng isa pang chance na mag bagong buhay, at lahat ng ito ay di mangyayari kung hindi sa kabutihan ng Panginoon.

Ilan lamang ito sa mga pagbabagong nangyari sa akin dito sa Isla. Naisip ko kung di ako dinala ni Lord dito sa lugar na ito, ano kaya ang nangyari sa akin? Nasaan kaya ako ngayon? Anong klaseng tao na kaya ako? Minsan dinadala tayo ng Panginoon sa isang lugar or situation para may matutunan tayo. Pero mostly tayo mismo ang nag dadala sa sarili natin sa sitwasyon dahil yung gusto natin yung masusunod, at pag di naging maganda yung kinalabasan ng ating sitwasyon, saka pa lamang tayo tatawag sa Panginoon, Or tinuturuan tayo ng importanteng life lessons pero sa lahat ng mga pangyayari sa buhay ng isang tao, parati Syang andon. Nananatiling tapat sa mga pangako Nya.

Nagpapasalamat ako sa bawat pagbabagong nangyayari sa buhay ko, sa mga life lessons na tinuturo sa akin ng Panginoon. Sa bawat pag subok sa buhay na dumating na nalagpasan namin mag asawa at sa mga darating pa. Naniniwala ako na ang mga pagsubok na iyon ay magpapatatag sa ating pananampalataya sa Panginoon. At kung ikaw man ay dumadaan sa pagsubok ngayon, I pray that the Lord will see and guide you through. May He strengthens you and may you find hope in Jesus.May you find His light in the darkness and give you peace in the midst of difficult situations. In Jesus name I pray. Amen.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s