Faith, Purpose

Bakit Ako Nagsusulat ng Blog

July 21, 2018

Bakit nga ba ako nagbablog? I am sure, lahat ng bagay dito sa mundo ay may dahilan, may purpose. Mas magandang gawin ang isang bagay ng may dahilan, kesa ginawa mo lang ito ng wala lang. Katulad ng bawat nilalang dito sa mundo, may reason ang ating existence. I don’t know kung anong purpose ng iba kung bakit sila nag susulat ng blogs, siguro they have same purpose katulad ko, but anyway gusto ko pa ring i-share yung nasa puso ko.At gusto kong isulat yung purpose ko, para pag pinanghihinaan na ako ng loob, pag medyo nadidiscourage ako, may babalikan ako na purpose.

ballpen blur close up computer
Photo by Pixabay on Pexels.com

Nagsusulat ako kasi….

I love writing

Bata pa lang ako, mahilig na akong magsulat, nag umpisa akong mag sulat sa journal ko noong high school pa lang ako. Isinusulat ko don lahat ng thoughts, life lessons na natutunan ko sa bawat experiences ko, yung mga emotions na kahalo ng experiences. Yung mga deepest secrets ko, don ko nilalagay. Mahilig din akong sumulat ng short story at mga narrative kaya lang di ko pinagpatuloy ang pagsusulat kasi nareject yung unang gawa ko na pinasa ko sa “Precious Hearts Romance” pero napag tanto ko habang nag-mamature ako na okay lang pala ang rejections, di ko control yung magiging reactions ng iba, di ko control yung thoughts and feelings nila about my work, pero di ko dapat i-take na negative yun, bagkus ay dapat gawin ko yung encouragement para pag butihin ang sarili ko. “There is always room for improvements and growth.” Kadalasan naririnig ko yung quote na “You cannot control the actions of others, but you can control how you react. “ So yun, kaya ngayon bumalik ako sa pag susulat, kasi ito talaga ang itinitibok ng puso ko, at ito talaga ang gusto kong gawin. Kahit na ano pa man ang sabihin ng iba, ito ang gusto kong pag butihin. Kasi ito ang ibinigay ng Panginoon sa akin at ayaw gusto ko itong hasain at paghusayin para di naman masayang ang talent na ibinigay nya sa akin.

Sabi ni Zig Ziglar “You don’t have to be great to start, but you have to start to be great.”

Nainspire ako sa sinabi nya, at nag iba yung perspective ko. Dati akala ko dapat ay expert na akong magsulat para maging magaling sa larangan ng pagsusulat, pero dahil sa sinabi nya, di naman pala dapat maging expert muna ako, kailangan ko lang mag umpisang magsulat, at mag sanay ng magsanay sa pagsusulat hanggang maging mahusay ako. Kaya na inspire ako ngayon para sumulat ulit. Alam ko marami pa akong dapat matutunan, at open ako sa growth at kung may dapat man akong baguhin sa style or sa way nag pakikipag-communicate, I am willing to make those changes and improvements for the glory of God.

To Share Jesus and inspire others

Mapapansin mo, yung mga sinusulat ko is about Jesus. I am a Christian, at di ako nahihiyang sabihin na follower ako ni Jesus. I like telling people how He changed me and how He can do the same for you too. Naniniwala ako na ang isa sa mga purpose kaya ako andito is to tell the world of His love. To share the gospel of Jesus to others as it is written.

Matthew 28:18-20 King James Version (KJV)

18 And Jesus came and spake unto them, saying, All power is given unto me in heaven and in earth.19 Go ye therefore, and teach all nations, baptizing them in the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Ghost: 20 Teaching them to observe all things whatsoever I have commanded you: and, lo, I am with you always, even unto the end of the world. Amen.

High technology na tayo ngayon, at nakita kong magandang opportunity ang blogging to spread the good news of salvation. Gusto kong gamitin ang blog na ito para ikwento ang mga testimonies ko, yung walk ko kay Lord, kung gano kabuti ang Panginoon. Mahal tayo ng Dyos, kaya nga pinadala Nya si Jesus para iligtas tayo. Pero kakaunti pa lang ang nararating ng message na ito. Sabi nga sa bible “The harvest are plentiful but the laboreres are few.” Matthew 9:37 kaya dapat doble kayod tayo. At i-grab natin yung bawat opportunity as possible.

Risky oo, kasi maraming bansa ang di pa nararating ng gospel, yung ibang lugar pinipersecute talaga nila ang mga Christian doon. Naniniwala ako na may mga fellow believers din ako na may adhikaing ganito, at di ako nag-iisa sa gawaing ito. Kaya malakas ang loob ko, at alam ko rin na kasama ko si Lord kasi ipinangako Nya that He’ll be with me even unto the end of the world, kaya kung anuman yung mga negative effect, feedback ng ibang tao tungkol dito ay di ko na alintana, kung may isa man akong nainspire, nadala sa Panginoon sa pamamagitan ng Blog na ito, super saya ko na non kasi I served my purpose.

If you are a Christian Blogger with the same purpose, allie tayo dito. Laban natin to kasama ang Panginoon. At saludo ako sa’yo. Please e-mail me too, or send me a message para maisama kita sa prayer lists ko.

For the Future Reference “Advance mag-isip”

Makakalimutin ako, madali akong makalimot ng mga bagay bagay. Siguro pag tumanda ako, mas lalo na. Kaya habang fresh pa sa memory ko ang mga alaala, ang mga lessons na natutunan ko, gusto ko itong isulat. Para pag tanda, may mabasa ako at maalala. Syempre bawat ipinapublish ko dito sa WordPress ay dapat i-print ko, paano na lang kung makalimutan ko ang password ko dito, buti na yung may back up.

Sa future, pag wala na ako ano bang maiiwan ko sa mundong ito? Pwede yung mga naisulat ko sa blog ko ay maiwan pa rin, at mapakinabangan ng ibang tao. Kailangan daw kasi advance tayong mag-isip. Kung sa pag tanda ko at uugud ugud na ako, mas hi-tech na tayo non, uso na nga ngayon sa Amazon ang nag sasalitang speaker na si Alexa, ipapabasa ko na lang sa kanya ang blog ko kung di ko na makita ang mga letra nito. Hopefully kaya na nyang mag salita ng tagalog, at mag translate sa ibang wika tulad ng English at Spanish.

Sana maraming mainspire, matulungan, at matouch na lives ang blog na ito. About monetizing my blogs, gusto ko rin pero di lang kumita ng pera ang purpose ko dito. My purpose is far more beyond earning money, kasi may trabaho naman ako. Pero kung gagamitin ito ni Lord para i-bless ako, para makapag support sa ministry at global missions, why not? Sino ako para limitahan ang kapangyarihan ni Lord. Everything belongs to Him, I own nothing and I will not worry because God will supply all of my needs according to His richness and glory. He’s my provider kaya alam ko di Nya ako papabayaan.

Ang mga blogs ko ay isinulat ko na lang muna sa tagalog, sa lengwaheng alam at kabisado ng puso ko at alam ko na maraming Pilipino din ang nag hahanap sa Panginoon, kaya bago ang iba, bayan ko muna. Ayoko namang ihinto ang nasimulan ko na, ayokong madiscourage dahil lang sa mga limitations ko, kaya habang pinag bubuti ko ang grammar ko, tagalog muna ko. Ayoko rin naman kasing mag full English sa pag-susulat tapos mali naman pala yung grammar ko. Tapos sa halip na sa thought at sincerity sila nakatingin, ay di na sila maka focus kasi nakakatawa yung mga malimaling grammar diba? Di ko rin naman maidadahilan ang langauge para di ko ishare si Jesus. As long as naiintindihan ako ng mga readers, yung thoughts na gusto kong ipahayag, yung na touch yung life nila, nainspire sila at nag bago rin yung lives nila dahil nakilala nila ang Panginoon at mga mabubuti Nyang ginawa through my blogs, through my life, masaya na ako non.

For the Glory of God

Sa bawat sulat ko, gusto kong i-acknowledge ang Dyos sa lahat lahat ng ginawa nya. Kasi apart from the Lord, I can do nothing. The reason why I live is to give Him the highest praise and honor. Lahat ng meron ako, talento, trabaho, buong katauhan ko, lahat yan ay sa Panginoon, I cannot take all the credits kasi instrument lang ako. Empty vessel na ginagamit lang Nya. In every thing I do, gusto kong ibalik din lahat sa Kanya. At writting blogs, story how God helped me through out this years is a really WONDERFUL JOURNEY.

Please pray for me and with me, for this blog to be successful, alam ko di magiging madali. Pero by the grace of God, mailalaganap ang gospel through this. And may the Lord give us wisdom in all our dealings. If you are going through something, with the help of our Lord may you overcome those trials, because in Jesus we have victory. If you’re still seeking for the truth, may you know the truth and the truth will set you free. If you are sick, I pray that the Lord’s mighty hands heal you. If you’re struggling financially, I pray for prosperity and abundance for your life. Remember always that Jesus come so we might have life, and me may have it more abundantly. I pray as you read my story, the Holy Spirit speak to you, and you find the answers that you’re looking for. In Jesus, majestic name. Amen

//ws-na.amazon-adsystem.com/widgets/q?ServiceVersion=20070822&OneJS=1&Operation=GetAdHtml&MarketPlace=US&source=ss&ref=as_ss_li_til&ad_type=product_link&tracking_id=beth0723-20&marketplace=amazon&region=US&placement=B073SQYXTW&asins=B073SQYXTW&linkId=22b4fd853243e922ce900efde58b605a&show_border=true&link_opens_in_new_window=true

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s