Faith

Yung Totoo Lang

Gusto ko yung mga taong totoo sa sarili nila. Yung marunong umamin ng pagkakamali, hindi nahihiyang aminin na hindi nila alam, yung hindi nagkukunwari. Bihira na lang makakita ng ganito, pero kahit naman siguro sino ay gusto ng totoong kaibigan. Yung di natatakot na sabihin sa’yo na may plato ka pala sa mukha, or may tinga ka. Yung tipong hindi ka ipapahiya or idya-judge. Parang ang sarap makasama ng tao na ganito. Yung pwede mong ikwento lahat lahat, kasi makikinig sya sa’yo. Pwede mong sabihini lahat kasi hindi ka nya huhusgahan, kung may mali sa’yo hindi nya itotolerate para lang i-please ka bagkus ay tutulungan ka nya, na maging maayos at tama yung mali mo. Yung i-encourage ka at maniniwa sa’yo na kaya mo.

 

bench people smartphone sun
Photo by Skitterphoto on Pexels.com

Gusto kong makasama at maging kaibigan ang ganitong klaseng tao, yung positive yung outlook sa buhay, yung di mo maramdaman yung competition, yung di lang lalapit sa’yo kasi may kailangan, or may benefits syang makukuha sa’yo. Yung tipong kahit di ka mag-salita alam nya at ramdam nya yung emotion mo, ramdam nya kung masaya ka, at makiki-celebrate sya sa kasayahan mo, ramdam nya kung malungkot ka o nagdadalamhati at makikiramay sya sa kapighatian mo.

Gusto mo rin bang magkaron ng kaibigang ganito? Or meron kang kaibigang ganito? Eto yung klase ng friendship, ng relationship na hinahanap ko. Yung ramdam mo secure ka, ramdam mo yung mahal ka. Pero sa panahon natin ngayon, may ganitong klaseng tao pa ba? Meron pa bang ganyang klase ng tao ngayon, na kung saan mas marami yung nagpapanggap kesa nagiging totoo? May mangilanngilan at ang hirap matagpuan. At kung makatagpo ka ng ganito, na-appreciate mo naman yung sincerity nya o dahil masyado syang mabait, inaabuso mo, ni-neneglect mo na lang kasi alam mo na mahal ka nya at di ka nya kayang iwan? Wala namang permanent sa mundo, at walang perfect na tao. Bawat isa sa atin ay may pangangailangan, at bihira ang ganito. What about isang tao na handang ibuwis para sa’yo ang buhay nya para maging maayos yung buhay mo? Shout out sa mga magulang na nagtatrabaho para mapag-aral yung mga anak nila at mabigyan ng maayos na buhay, at shout out sa mga anak na nakaka appreciate ng sacrifices ng mga parents nila. Katwiran ng ibang teenagers, di namin kailangan ng pera, kailangan namin ng attention at pagmamahal nila.

Well… don ko napagtatanto na kahit anong gawin mo, kahit anong ganda, talagang kulang at kulang pa rin yung ginagawa natin, kasi people always want more from us. Sa mga katangiang nabanggit ko, may kilala akong ganitong ganito. At gusto ko syang ipakilala sa inyo. Siguro kilala nyo na sya, o naririnig, yung iba may tanong na totoo ba?

Pero sa dinami dami ng friendship na fake, nakakita ako ng nag-iisang totoo, at yon ay ang friendship na natagpuan ko kay Jesus. Gusto kong ishare kung gaano kabuting kaibigan si Jesus, and I am hoping na maging kaibigan ka rin nya, kung di mo pa Sya kilala, or kung kilala mo na Sya pero dull ung friendship nyo, hope na mainspire ka at bumalik sa circle of friends nya, or kung okay naman yung friendship nyo, gusto ko ring malaman yung difference na nagawa Nya sa life mo.

I want you to know more about my friend, Jesus…

Jesus found me, nung nasa dilim ako, He brought me from darkness to light (acts 26:18) Lubog ako sa utang non, di okay ung relationship ko sa pamilya ko. Disappointed sa akin yung parents ko, nagresign pa ako sa work ko, adik pa ako sa computer games non. Wasak at walang direksyon ang life ko nung mga time na iyon. Para talaga akong nangangapa sa dilim. Pero don sa kadiliman, may isang ilaw na nagliliwanag, may isa akong kaibigan na nagpakilala sa akin tungkol kay Jesus. Nung una, di ako naniniwala, I kept searching kung totoo ba. I wonder kung kaya ba akong tanggapin ni Jesus sa dami daming kong pag kakamali at kasalanang nagawa. Sa dami kong kasinungalingan at taong nasaktan. Akala ko di ka pwedeng lumapit sa Kanya pag makasalanan ka… pero mali pala ang akala ko, pero sabi Nya, “I desire mercy and not sacrifice.’ For I did not come to call the righteous, but the sinners to repentance” Matthew 9:13. 

Pinatawad Nya ako sa mga kasalanan ko, kahit na nag kukumpisal ako sa pari, pakiramdam ko pa rin ay di ako lubusang pinatawad ng Panginoon, may tanong sa puso ko na gusto kong hanapan ng kasagutan. Paano ko ba malalaman na pinatawad na ako ng Panginoon pag dinasal ko ng paulit ulit ang mga sinasabi ng Pari? Paano kaya Nya nalalaman kung ilang “abaginoong maria at ama namin ang dadasalin ng isang tao”? dipende ba yon sa kasalanang nagawa mo? Pano naman yung mga mamamatay ng tao na gustong mag bago, ilang abaginoong maria at ama namin kaya ang ipapadasal sa kanya ng pari? Dinidiktahan ba ni Lord ang pari kung ilan ang dadasalin mo o gawa-gawaan lang ng pari yun? Daming tanong. Pero nalaman ko sa bible sa Acts 5:31 “Him (Jesus) God has exalted to His right hand to be Prince and Savior, to give repentance to Israel and forgiveness of sins” at isa pa sa nalaman ko ay di pala iyon sa mga mabubuti nating mga gawa kaya tayo maliligtas, so it doesn’t matter kung ilang paulit ulit na dasal ang gawin ko, kasi sabi sa Ephesians 2:8-9 For by grace you have been saved through faith, and that not of yourselves; it tis the gift of God, not of works, lest anyone should boast.”

Jesus is the Lamb of God that takes away the sin of the world (John 1:29)

He sets me free. He told me ” You shat know the truth and the truth shall make you free” (John 8:32) and “therefor if the Son makes you free, you shall be free indeed” (John 8:36) At ang sarap maging malaya, yung malaya kang maexpress yung nasa puso mo, ang sarap kasi pag malaya ka, wala kang takot. Gusto ko ang pakiramdam ng kalayaan. Dahil alam ko na napatawad na nya ang aking mga kasalanan. Gusto lang nya ay maging totoo tayo sa ating mga sarili, aminin ang ating mga pagkakasala, i-confess yung kasalanan natin don sa nagawan natin ng kasalanan, i confess natin kay Jesus na nagkasala tayo at sabi sa 1 John 1:8-9 If we say that we have no sin, we deceive outselves, and the truth is not in us. If we confess our sins, He is faithful and just to forgive us our sins and to cleanse us from all unrighteousness. Basta aminin lang natin yung mga kasalanan natin, at wag nating idideny napaka faithful and just ni Jesus para patawarin tayo.

Si Jesus, ang kaibigan na ibinuwis ang buhay Nya para magkaron tayo ng buhay na walang hanggan, dahil mahal Nya tayo. Mahal Nya ako, mahal ka Nya, mahal Nya tayong lahat. At gusto Nya ring mag mahalan tayong lahat, sinabi Nya yon John 15:12-14 ” This is My commandment, that you love one another as I have loved you. Greater love has no one than this, than to lay down one’s life for his friends. You are My friends, if you do whatever I command you.” Kung iisipin mo, ganon ba ko kahalaga para pag buwisan ng buhay? Oo. Ganon tayo kamahal ni Lord. Ganon na lang ang pagmamahal ng Panginoong Dyos sa atin, kaya nga sabi sa bible “For God so love the world, He gave His only Begotten Son that whosoever believe in Him shall not perish but have an everlasting life” John 3:16. At ang ganitong klaseng friendship ang tini-treasure at talagang iniingatan. Dahil ang ibang friendship mong matatagpuan dito sa mundo, ay panandalian lamang, etong friendship na ito ay panghabang buhay.

Kung gusto mong maging kaibigan din ni Jesus, madali lang. Lumapit ka lang sa kanya, patuluyin mo sya sa puso mo, aminin mo ang mga kasalanan mo, at talikuran ang mga iyon, at maniwala ka na pinatawad ka na ni Jesus at mula sa araw na ito, na pinatuloy mo sya sa puso mo, ikaw ay panibago na. At sa pag talikod mo sa mga kasalanan mo, may panibagong buhay na nag hihintay sa’yo. Panibagong adventure. Di madali, pero lahat malalagpasan dahil ang kaibagan nating si Jesus ay di ka pababayaan.

Once na matagpuan mo na si Jesus, wag mo Syang pakakawalan.

Advertisements

2 thoughts on “Yung Totoo Lang”

  1. Ganda.
    Sana marami pang makahanap ata makatagpo ng tunay na kaibigan sa Pangalan ni JESUS.

    Sya lang, sapat na.
    Buo na.

    May God bless the works of your hands po.

    To GOD Be all the Glory 😊

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s