Faith

Lesson ng Paglalaba sa Dryer

July 19, 2018

Our second day sa inupahan namin na bahay sa Crewdson Ave. sa Chattanooga, Tennessee. Mas mura ang Airbnb kesa ang per night sa hotel. Maganda yung bahay na tinuluyan namin. Medyo may katandaan na pero na-maintain naman ng may ari. May anim na kwarto, may 3 comfort room na may shower at isang hiwalay na toilet. Kusina na kumpleto sa gamit, dinning area, living room, laundry area, may terrace sa itaas at porch pa.

Ang storya ko ay nag umpisa nung nakita kong nag lalaba si Pastor, sabi ko malabhan na nga rin yung mga damit ko para may maisuot ako for the next four days. Sa totoo lang di ko pa alam kung paano gamitin yung washer at dryer nila kasi iba yung model nya. Ayoko namang makasira, baka magmulta pa kami. So I saw Pastor doing his laundry, I asked him, “Pastor, pano po gamitin yan?” sabay turo sa machine “Madali lang, ilagay mo lang yung damit, then pindutin mo itong play button na ito”.

IMG_1494

Nung natapos na si Pastor, excited akong labhan na yung damit ko. So i opened the door, then put my dirty clothes and put the laundry pods. Then I followed pastor’s instruction. Nung umaandar na yung machine, yumakyat ako sa itaas, then after sometime later, bumaba ako at tiningnan ko yung nilalabhan ko. Binuksan ko yung machine, nagtataka ako kung bakit ang init ng damit ko, naisip ko sira ba yung machine? Napatingin ako sa isang machine na katabi ng dryer na parehas ng design, nakita ko yung wash, rinse and spin na option, mali palang machine yung ginagamit ko. All along, dryer pala ang ginagamit ko. Dali dali kong inilipat yung damit ko sa kabilang machine, buti na lang at pods yung sabon, hindi powder kung hindi pano na kaya yon. Buti na lang din at di natunaw yung plastic ng pods, at di kumalat yung sabon sa damit ko.

Natawa na lang ako sa pag kakamali ko. So anong natutunan ko sa experience na ito?

Wag Mag Assume

Di dapat ako nag assume na alam niya ang gusto kong gawin sa mga oras na iyon. Itinanong ko lang kung paano gumamit pero di ko naman sinabi ang purpose ko. Sinagot lang naman nya ang tanong ko. Maraming causes ng miscommunication yung di natin nililinaw yung pag tatanong natin, di ko nalinaw kay Pastor na gusto kong maglaba. And I am pointing at the dryer na ginagamit nya, akala nya rin gusto kong malaman kung pano gumamit ng dryer. Hahahaha

Magbabasa

Dahil dalawang mag kaparehas ng design ang magkatabing machine, dapat binasa ko. Napansin ko ang dami kong nagagawang palpak or di ko na nagagamit to the full capacity ang isang device kasi di ko binabasa ang manual. Madaming bagay na nakasulat lang pala, na sagot sa tanong mo. Tulad ng tanong ko, alin kaya ang washer dito? Dahil di ako nag basa, nag assume ako na yun ung unang machine. Ganon din sa life natin. Binigyan tayo ni Lord ng instruction sa life natin, hindi naman Nya tayo iniwanang clueless sa mga bagay bagay. Binigay nya sa atin ang BIBLE (Basic Instruction Before Living Earth) para mag-karon tayo ng life that overflows. Ilang phone na ba ang ginamit kong di ako nag basa ng manual? Then may special features pala na di ko na discover, or kung naghihingalo na or may napindot akong nag cause ng error saka ko lang bubuklatin yung manual para mag read ng troubleshooting, where in the first place dapat binasa ko muna para malaman ko ang proper handling para tumagal ang lifespan nya.

Grace is sufficient

Pag nagkamali, matutoto sa pag kakamali at mag move forward. Walang perfect na tao. Lahat tayo ay nagkakamali. Buti na lang, ang Panginoon ay ang Dyos ng awa at habag. He has abundant grace available for everyone. Basta humble  lang tayo na aminin yung pagkakamali natin, matuto tayo sa pagkakamali, gawin ang tama at wag nang bumalik sa dating gawi. For sure nung nalaman ko na kung alin sa mga machines, for sure di na ako maglalaba sa dryer.

Hopefully you’ve learned something from my blog. Please feel free to say what’s on your mind on the comment section.

Have a nice day everyone!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s