Faith

Don’t End Your Life, May Pag Asa pa

August 7, 2018

Hanggang kailan mo kayang magmahal? Kaya mo pa ba kahit nasasaktan ka na? Kaya mo pa ba kahit wala na yung spark ng feelings? Kaya mo pa ba kahit puro na lang sakit? kaya mo ba kahit di ka pinapansin? Kaya mo pa ba kahit yung konti na lang na sa’yo, isusubo mo na lang ibibigay mo pa? Kaya mo bang ipag palit yung buhay mo para sa kanya? Anong klaseng tao ang kayang mag mahal ng ganito, nakaya nyang ibuwis yung sarili nyang buhay para maging maayos yung sa’yo? Anong klaseng pagmamahal yung tinalikuran ka na ng buong mundo, pero Sya hinahabol ka parin, sinusuyo ka pa rin? Anong klaseng pagmamahal yung kahit na anong gulo ng buhay mo, iniayos nya, binigyan ka nya ng panibagong pag-asa, simula at buhay… walang makakagawa non kundi si Jesus lang.

adventure cliff ocean outdoors
Photo by Pete Johnson on Pexels.com

 

Binigay Nya yung buhay Nya, para mag karon ka ng sa’yo, pinasan Nya ang kasalanan na hindi sa kanya, para magkaron ng kapatawaran ang mga kasalanan natin sa kanyang Ama. Hanggang sa huling sandali ng buhay Nya, ikaw yung nasa isipan Nya, tapos nabuhay Syang muli para ipakita sa’yo na kahit kamatayan kaya Nyang tawirin, kaya Nyang talunin, at kung kakapit ka lang sa kanya at patuloy kang maniniwala sa mga ginawa Nya, kaya mo ring mapag tagumpayan yung mundo, kaya kung brokenhearted ka ngayon, at gusto mo nang magpakamatay sa sobrang sakit, isipin mo, na Mahal na Mahal ka Nya, namatay sya para sa’yo, huwag mong wakasan ang buhay mo. Di huli ang lahat kahit na pinagpalit ka, o nasaktan ka, niloko ka, pinagmukha kang tanga ng isang tao na di alam ang yong halaga. Dahil kay Jesus, mahalaga ka sobra at mahal na mahal ka nya. Kaya tahan na, huwag ka ng lumuha pa, para sa taong nagpaiyak sa’yo. Dahil ang taong yon ay di talaga para sa’yo. May nakatakda pa ra sa’yo at kung wawakasan mo na ang buhay mo para lang don sa di karapatdapat na tao, mag isip ka ulit, dahil kung wawakasan mo na ang buhay na binigay sa’yo, paano mo makikilala ang taong nakalaan para sa’yo?

Kung feeling mo walang nag mamahal sa’yo, mahal ka ni Jesus at iyon ang totoo. Please lang, huwag mong wakasan ang buhay mo… bumangon ka at mag umpisa ulit. Humugot ka ng lakas sa Panginoon na nangako na di ka iiwan o pababayaan.

And for those who are thinking of committing suicide dahil sa nabigo sila sa pag-ibig, nawalan ng pag-asa, napagod ng lumaban, i pray for comfort and the intervention of the Holy Spirit for you, I pray that you find the love in Jesus at huwag nyang pahintulutan na matuloy ang plan nyo to commit suicide. There’s hope, peace, joy and serenity in the presence of the Lord. And you find Him in the midst of what you’re going through right now. Kaya nyo yan, malalagpasan nyo yan. In Jesus mighty name. AMEN!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s